Kabanata 15 "Raille, hindi pa ako tapos sa gawain pati hindi pa lunch." pilit ko kay Raille na hila hila ako palabas ng building . Bahagya itong tumigil at masuyong tumingin sa akin ." bukas mo na yun tapusin nag hihintay si Lola sa atin. " Tumango na lang ako at sumakay na sa sasakyan nito , mahaba ang byahe pinagmamasadan ko lang si Raille na seryosong nag mamaneho , nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko ng tumuon ang atensyon ko sa mapupula at basa basa nitong labi , hindi ako makapagpigil parang gusto ko syang halikan, nang makita kong lilingon ito sa akin ay agad akong umiwas at tumingin sa labas. "Malapit na ba tayo?" Tanong ko sa gitna ng traffic. "Konting minuto na lang , why? Pagod na ba ang baby ko sa pag titig sa akin." si Raille at hinawakan ang baba ko at masuyo ako

