HARPER/MARGOTTE LAUREN NAGUGULUHANG nakatingin ako sa dalawang babae "Mommy?" Hindi ako makapaniwala na nandito siya at kasama niya si Queen Rafaela ang reyna ng Atonzancia kingdom pero bakit katabi niya ang reyna? Ano bang nangyayari? Ang daming katanungan ang nasa isipan ko. "Harper anak" masayang sabi ni mommy at niyakap ako ginantihan ko naman yon sobrang miss ko na si mommy pati ang amoy at yakap ng isang ina. "I missed you mommy" umiiyak na sabi ko para tuloy akong bata pero wala na akong pakialam kung may nakakanood sa amin ngayon basta ang gusto ko lang mayakap ang mommy ko. "I missed you too baby" tugon niya kumalas ako ng maalala ko kung paano siya nakarating dito. "Mom paano ka nakapunta dito?" tanong ko sa kanya tumingin naman siya sa reyna ay parang nagaalangan siyang

