HARPER EVANS
"Hey, sleepyhead wake up" boses nang babae habang kinakalabit ang balikat ko para gisingin pero hindi ko yun pinapansin nakapikit pa din ako at gusto ko pang matulog "Harper, bumangon kana" may himig na inis sa boses nito.
"Manang Five minutes pa" inaantok na sagot ko sa kanya wala na akong narinig na pagtutol sa kanya siguro pinagbigyan na ni manang ang gusto ko nakangiting nakapikit ako.
Salamat naman at makakatulog na ako!!
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog nang biglang may naghagis sa akin ng malamig na tubig kaya agad akong napamulat ng mata "f**k" lumabas mula sa bibig ko at nagmadaling bumalikwas sa kama nakita ko ang nakangising mukha ni Aerin na agad napalitan ng pagkatulala pero sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Why did you do that?" iritang tanong ko sa kanya na nakanganga lang na parang naging bingi at walang naririnig narinig ko naman ang yabag sa kwarto ko at pagpihit ng doorknob. "What's goin on here?" nagtatakang tanong ni Celine katabi nito si Jasmine nang mapatingin sila sa akin napatulala din sila kagaya nitong si Aerin na naputol ata ang dila kaya hindi makapagsalita.
Bakit ganyan ang mukha nila? Ano ba ang problema at nakatulala sila nang makita ako? Napatingin naman ako sa katawan ko nanlaki ang mga mata ko dahil naka undies lang naman ako ganito kasi ako matulog at comfortable ako pag ganito pero dahil maganda ang katawan ko proud ako na ipakita sa kanila at isa pa pareho kaming mga babae wala naman malisya.
Kinuha ko ang kumot ko at itinakip yun sa katawan ko kakaiba kasi ang pagtitig nila parang naiilang ako bakit kasi hindi ko nilock ang pintuan ko nasanay kasi ako sa mansion na walang makakapasok sa kwarto ko maliban nalang kay manang o sa mommy ko. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko kay Aerin dahil sa kanya na ako nakatingin napaubo muna ito bago niya sinagot ang tanong ko "Ginigising lang naman po kita dahil mal-late na tayo sa klase baka nakakalimutan mong estudayante ka na din dito" napatapik naman ako sa noo ko dahil nakalimutan kong dito nga pala ako nagaaral.
"Wow you got a nice body, baby" singit naman ni Celine kaya sa kanya na napunta ang atensyon ko buong paghanga na nakatingin siya sa akin nagulat ako nang bigla siyang kumindat pumipikit pikit pa ako baka kasi namamalikmata lang ako. Tinignan ko si Celine hindi kaya lesbian o kaya bi siya? katulad nalang ng pinsan kong si Nathalie na bisexual. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ako bakit pagdating sa mga prinsesa parang bago lang sa pandinig ko samantalang sa mundo ko sanay na ako na purihin nila at wala akong nararamdamang ganito.
"I agree with you here" singit naman ni Jasmine habang nakatingin sa akin ang masungit na aura niya kagabi nagbago na at ngayon ay ngiting ngiti sa akin. "Are you single?" tanong niya na ikinagulat ko parang lalaki kasi kahit naguguluhan ako sa kanila pinili ko na lang sagutin ayoko naman maging rude sa kanila nararamdaman ko naman na mababait sila at isa pa baka pag tinarayan ko sila gawin nila akong pataba sa halaman o kaya naman hiwa-hiwain ang katawan ko at hindi na ako makakabalik sa mundo ko.
"Yes, I'm single" sagot ko habang hawak ko ang kumot na nakatakip pa din sa katawan ko tumango naman sila na parang nagustuhan nila ang kanilang narinig napapangiti na din maliban kay Aerin na kanina pa nakasimangot.
Dapat hindi Aerin ang pangalan niya Simang na nga lang itatawag ko sa kanya mas bagay sa kanya yun dahil lagi siyang naka simangot.
"Celine at Jasmine lumabas na kayo maliligo pa ang babaeng yan" utos naman ni Simang na magkasalubong ang kilay pero kahit ganon maganda pa din siya. "Hintayin ka namin sa dining room babe" ani Celine nagulat naman ako nang bigla niya akong tawaging babe hindi ako nakapagsalita hindi ko nga namalayan nakaalis na siya kung hindi ko narinig ang malakas na pagkakasarado ni Aerin ng pintuan sa kwarto ko.
Problema non?
Napatingin naman ako kila Celine at Jasmine dahil bumulinghit sila ng tawa at napapailing siguro dahil kay Aerin "What do you want for breakfast?" Tanong naman ni jasmine na hinihintay ang isasagot ko "Kahit ano hindi naman ako mapili sa pagkain" sagot ko naman ngumiti lang sila sana ganon din si Aerin hindi yung nabibilang lang sa daliri ang pag ngiti niya. "You're different" saad naman ni Celine na ipinagtaka ko seryoso na kasi siyang nakatingin sa akin.
Malamang iba ako sa inyo haler hindi ba obvious?
"Let's go Celine, Stop eye f*****g her" tila naiinis na saad naman ni Jasmine hindi na niya hinintay ang sasabihin ng kaibigan nito at agad na niyang hinila palabas ng kwarto ko.
Napunta ata ako sa mundo ng mga weirdo!! MOMMY i wanna go home na !!
Kinuha ko na ang tuwalya at pumasok sa banyo nagpakawala ako ng malalim na hininga sinimulan ko na mag shower napahinto ako sa pags-shampoo nang may naramdaman ako na parang may nakamasid sa akin kaya sinarado ko na yun.
"s**t" tili ko nang makita ko ang bulto ni Aerin sa likod ko seryoso ang mukha nito ibig sabihin kanina pa niya pinagmamasdan ang hubad kong katawan? Sabagay nakita naman niya na ito nung naligo kami sa falls kaya lang agad siyang nagmadali na umalis at doon naman ako sinugapa ng estrangherang babae naalala ko na naman ang pagkuha nito ng first kiss ko.
"Anong ginagawa mo dito?" nanginginig kong tanong agad kong dinampot ang tuwalya ibinalot sa katawan ko pero sa halip na sagutin ako bigla niya akong siniil ng halik mapusok yun at mapag angkin bumaba ang halik niya sa leeg ko sa tainga "Stop flirting around" she whispered ramdam ko ang init ng hininga niya sasagot sana ako ng bigla siyang naglaho at iniwan akong tulala sa banyo kasabay non ang bilis ng pintig ng puso ko.
Ano bang nangyayari sa akin bakit ang bilis ng t***k nitong puso ko? Bakit panay ang halik niya sa akin tomboy ba siya?