Chapter Three

1450 Words
HARPER EVANS   TULALA lang ako nakaupo napapasabunot ako tuwing naalala ko ang babaeng nakakuha ng first kiss ko na dapat ilalaan ko sa magiging boyfriend ko.  "Harper anong nangyari bakit puro sugat ka?" tanong niya na may bahid na pagaalala sa boses nito hindi ko man lang namalayan na nakadating na pala siya dito masyadong inokopa ng estranghera na yun ang isip ko.   Tinabihan niya ako hinaplos nito ang mukha at braso ko "Bakit puro ka sugat? Anong nangyari habang wala ako?" masuyong tanong nito gusto kong umiyak at ikwento na wala na ang first kiss ko nakuha na ng sinomang babae na yun pero hindi ko kayang bigkasin sa kanya kaya minabuti ko na lang ilihim ko ang bagay na yon.   "May biglang lumitaw na babaeng naka kapa na itim at bigla na lang akong sinaktan" paglalahad ko sa kanya "Sinakal at inihagis niya ako" kwento ko sa kanya nagtiim bagang naman ito napabuntong hininga nagliwanag naman ang kamay niya hinaplos ang sugat ko at sa isang iglap nawala na ang mga ito.   "Kaya kong gumamot pag hindi masyadong malala ang sugat. Taga Ravaria Kingdom ang nakasagupa mo kanina sila ang naghahasik ng gulo dito sa mundo nalin na kung tawagin ay Zolenburgh World kaya kailangan mong umiwas sa kanila at kaaway naman sila ng tatlong kaharian pero nagtataka lang ako kung bakit hindi ka niya pinatay dahil kilala silang walang mga puso at pumapatay ng kaaway. Napaka swerte mo mortal" saad niya habang nakatitig sa akin. Ang sarap talagang bigwasan ang isang to gusto niya akong mamatay ganon?   "Mabuti pang tumayo kana diyan dahil aalis na tayo" aniya at tumayo napanganga ako ng biglang nawalang parang bula ang mga gamit namin. Naalala ko naman ang pinatuyong damit ko dahil yun ang balak kong isuot hindi ang isang to na mukhang sinauna pa.   "Teka lang yun damit ko" tarantang sabi ko at pinuntahan ang sinampay kong damit na ngayon ay tuyo na "Hindi mo na kailangan gamitin pa yan" biglang naging masungit na naman siya may saltik ata ang isang to. Hindi ko siya pinakinggan sa halip sinuot ko ang damit ko napairap naman siya halatang ayaw niya talaga at tutol siya sa pagpapalit ko ng damit.   Ano na naman bang problema ng isang to?   "Tara na" nakangiting yaya ko nakakuha lang ako sa kanya ng nakakamatay na irap hindi siya nagsalita napakamot na lang ako sa batok dahil hindi ko talaga alam kung bakit ganyan na naman ang mood niya. Nagchant siya ng spell may lumabas na portal "Pupunta tayo ng Zacam Academy" sabi niya kaya hindi na ako nakapag tanong teka nga "Kaya mo naman pala gumawa ng portal bakit naglakad pa tayo ng tatlong oras pinagod mo pa ang binti ko nakuha pa ng bruha na yun ang f— whatever. Nakakainis ka"   "Gusto ko lang maglakad" tipid na sagot niya sabay kibit balikat na walang pakialam sa sinasabi ko kumukulo talaga ang dugo ko sa kanila "Ano pang hinihintay mo diyan malapit ng maglaho to at pag nangyari yun hindi ko na uulitin gumawa ng portal talagang maglalakad tayo"   Nanginginig ang binti ko dahil naalala ko kung paano ako mahilo dahil daig pa nito ang roller coaster pero wala akong magagawa kundi ang pumasok sa portal dahil ayoko ng maglakad. Oh my God! I'm gonna p**e daig ko pa ang may hangover.   "Andito na tayo" rinig ko mula kay Aerin napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa hilong nararamdaman ko nakita ko naman ang gintong gate yayamanin ang academy na ito kung tumapyas kaya ako ng ginto dito? siguro yayaman ako.   "Lets go" rinig ko mula sa kanya pinigilan ko naman siya gamit ang kamay ko "Teka lang Aerin, nahihilo pa ako" nanghihinang sabi ko dahil totoo yun baka pag humakbang ako bigla nalang masuka nakakahiya naman. Nabigla naman ako ng dinantay ni Aerin ang ulo ko sa balikat niya at hinaplos yun.   Kung lalaki lang siya kikiligin na ako Ilang minuto pa nakaramdam na ako ng ginhawa nawala na ang hilo ko "You okay?" tanong nito nahihimigan ko naman ang pagaalala niya kahit pala masungit ang isang to marunong din pala mag alala. "Ouch" pinitik lang naman nito ang tungki ng ilong ko "Tulala ka na naman" aniya at ngumiti nagulat naman ako pero agad din nawala yun at bumalik sa pagiging seryoso humakbang naman ito sa may gate may lumabas na isang camera ini- scan nito ang retina ng mata ni Aerin.   "Welcome back Princess Aerin" sabi ng machine at kusang bumukas ang gate. Ang cool naman ng academy nato siguro madami ding gwapo at magaganda na estudyante.   "Ang ganda naman dito" mahinang bulong ko habang palinga linga "Oh" ani ko nang may nakita akong babae na naglalaro ng apoy at nakalutang pa ito meron ding naglalaro ng tubig. School of magic ang napasukan ko akala ko napapanood ko lang sa TV pero ngayon nasasaksihan ng dalawang mata ko.   "Tama ka ng iniisip Harper nasa school of magic ka kung saan pinapalakas namin ang aming ability" sagot niya habang naglalakad sumusunod lang naman ako sa kanya. "Kailangan kong makausap si Headmistress tungkol sa kalagayan mo at kung bakit hindi tinatanggap ng portal ang katawan mo pabalik sa mundo mo" pagpapatuloy niya hindi naman nakaligtas sa mata ko ang mapanuring tingin ng mga estudyante teka nga lang bakit puro babae ang nakikita ko wala man lang lalaki. "Teka lang ang bilis mo naman maglakad isang hakbang mo tatlo lang sa akin" reklamo ko ang haba kasi ng binti niya palibhasa malaking babae. Tch siya na ang long legged.   "Hindi ako mabilis sadyang mabagal ka lang" pangontra nito sa sinabi ko na walang pakialam kahit pinagtitinginan kaming dalawa lalo na siya napasimangot naman ako pero napapangiti pag mag ngumingiti sa akin hindi ko sila masisi kung nagagandagan sila sa akin isa lang naman akong diyosa na napadpad sa mundo nila.   Napansin kong may dalawang babae na nagbabantay sa labas ng pintuan huminto naman kami ni Aerin "Nasa loob ba si headmistress?" tanong nito ibig sabihin guwardiya pala sila ang taray! tumango naman sila "Nasa loob po siya Princess Aerin" sagot ng isa.   Princess? prinsesa ang bakulaw na ito? kaya pala elegante ang dating nito yun pala royal blood.   Binuksan nila ang pintuan nakatingin naman ang dalawang guwardiya sa akin na sinusuri ako dahil siguro bago lang ako sa kanila "Ano pang tinatayo mo diyan sumunod kana sa akin" napasimangot ako dahil galit na naman itong si Aerin naiinis na sinundan ko siya puno naman ng libro at ang lahat ng gamit ay puro ginto kahit ang lamesa nito.   "Headmistress" bigkas ni Aerin sa babaeng nakatalikod sa amin na nakaupo sa swivel chair na ginto din. "Ikaw pala Princess Aerin" nakangiting sambit ng headmistress nila nang umikot ang swivel chair at humarap sa amin nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang 16-17 years old lang ang babaeng to.   Prank ba to?   Sinuko ko naman si Aerin lumingon ito sa akin "Siya ba talaga yung headmistress niyo? baka anak lang niya yan" bulong ko sa kanya napataas naman ang kilay napakataray talaga dinaig pa ako.   Tinapunan naman ako ng matalim na tingin ni Aerin  na nagpapahiwatig na tumahimuk ako kaya naman tumikom na ang bibig ko ayokong gawin niya akong pang sinigang na bangus tinignan naman ako ng head mistress na sinusuri mabuti.   "Princess Aerin sino naman itong kasama mo?" tanong ng headmistress tumikhim muna ang katabi ko bago sumagot "Galing siya sa mundo ng mga tao isa siyang mortal headmistress dahil sa pagiging echusera niya sumunod siya sa akin pumasok sa portal" sagot naman ni Aerin  "Nagtataka lamang ako headmistress kung bakit ayaw siyang pabalikin ng medallion" dugtong nito habang nakatingin siya sa akin Wala sa akin ang sagot gusto kong sabihin pero baka hindi ako makalabas ng buhay dito sa office.   "Kung ganoon mabuti pang dito muna siya sa academy hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit hindi siya makabalik sa mundo niya" seryosong sabi ng headmistress habang titig na titig sa mukha ko.   Nagagandahan siguro siya sa akin sawa na siya sa mukha nila   Teka nga dito muna ako sa academy nila? "Hala! Ayokong mag stay dito wala akong majika na tulad nila magmumukha lang akong tanga at tsaka baka pag tripan ako ng mga estudaynte dito" protesta ko umiral na naman ang pagiging bratinella ko.   Natawa naman ang headmistress "meron talaga akong naalala sayo hija. Wag kang magalala walang mananakit sayo dito dahil mahigpit na pinagbabawal dito ang violence oh siya Princess Aerin dahil mo na siya sa royalty room mamaya ipapadala ko ang uniform niya" sabi ng headmistress tumango naman si aerin magsasalita snaa ako ng mabilis siyang nagpaalam at hinila na ako palabas ng opisina ni headmistress.   "Ikaw talaga matuto kang rumespto kay HM kung gawin ka non palaka? Gusto mo ba?" Sabi niya na naiinis hindi na kasi mapinta ang mukha niya. WHAT? PALAKA? Sa ganda kong to gawin ba naman akong palaka.   Magandang palaka lang naman - mahaderang brain SHUTUP brain kailan ka ba nakakita ng magandang palaka huh Ikaw ang kauna unahan - brain   "Weirdo" rinig kong sabi ni aerin habang napapailing as if naman mind reader siya Bigla naman ako napahinto hindi kaya???WTF I'm doomed!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD