Kinagabihan ay sabay ng umuwi sina Adella at Austin. Ayaw na kasing mag-hotel ni Austin dahil baka habulin na naman ito ng mga babaeng naugnay sa kaniya. So naisipan niyang kay Adella na lang manuluyan ng isang gabi lang. Nagkukulitan pa sila ni Adella habang papasok sa exclusive hotels. Nasa baba ang apartment ni Adella. Sa last floor naman ay mga Penthouse at doon ang Penthouse ni Aldrin. "Pansin mo ba baby doll. Ang sungit sungit ni Kuya ngayon?" napapailing na tanong ni Austin. Kumunot ang noo at hindi mawari ang nasa isip ng kapatid. Seryosong tumango si Adella. "Dinaig pa niya ang may regla. Sinigawan nga ako kanina sa opisina. Ang raming empleyado ang nakatingin. Ayon pinagtatawag ko silang tsismusa." Hindi napigilan ni Austin ang tumawa. Ang maldita pa rin talaga ni Adell

