Tia Kinabukasan ay hinatid kami ni Kuya Andrei. Pababa na ako ng tanungin niya ako. "May tampuhan ba kayo ni, Art?" tanong niya sa akin. Tumango ako. "Hindi ko alam kung anong problema niya." "Huwag kang masyadong nakikipag-close kay Mr. Director. Nanlalabo ang mga mata ni Arthur at naninikip ang dibdib." Kinindatan niya ako. Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya pero nagpapahiwatig iyon na nagseselos si Arthur. Nginitian ko si Kuya Andrei at inalalayan pababa ng sasakayan si Aldrin para makapasok na kami sa eskuwelahan. Hanggang sa lunch break ay iniisip ko ang sinabi ni Kuya Andrei. Napapailing na lang ako at pilit iyon binubura sa isip ko. Pagkatapos ng klasi sa hapon ay hindi ako sumabay kila Kuya Andrei. Nagpaiwan ako dahil may usapan pa kami ng mga kaibigan kong magkik

