Napahinto bigla mula sa paglalakad si Aldrin ng mapagtanto niyang imagination lang pala ang tumakbo sa isip niya kani-kanina lang. Hindi niya tinawag ang pangalan ni Adella. Hindi niya rin ito tinakbo at binuhat. Napayuko siya bigla. Bigla siyang nahiya sa kaniyang naisip at pakiramdam niya ay hindi na niya kayang ihakbang ang mga paa. "Nandito na pala ang Presidente," mahinang sabi ng Manager. Ang lahat ay napalingon sa gawi ni Aldrin. Naagaw niya ang atensyon ng lahat. Si Adella naman ay taas noong tumingin rin sa kaniya. Tumaas ang isang kilay ni Adella ng magtama ang kanilang mga mata. How embarrassing, sa isip ni Adella. Hindi niya matanggap na tumitig rin siya rito. Naglakad si Aldrin palapit sa kanila. Kinamayan niya ang daddy at Uncle Arthur niya. Alanganin siyang ngumiti kay

