Chapter 18 Dahil anak mayaman si Axel at lumaking mga mga katulong at yaya, wala siyang alam na trabahong bahay at nang minsang umuwi ako ay nakita kong nagkasugat-sugat ang mga kamay niya dahil sa gusto niyang ibida sa akin na habang wala raw ako ay naglaba siya ng mga dami ko kasi nang mga sandalig iyon, nasa hospital si Mama. Ipina-admit niya si Mama para hindi na lumala ang sakit niya at maaring mahawa kami o ang mga kapatid ko. Pumayag na rin ako at si Mama sa gusto ni Axel kasi matagal na ngang umiinom ng gamot si Mama ngunit parang wala pa ring nangyayari. Kaya kami na lang ang tao sa bahay. Kaming tatlo ng kapatid ko at si Axel. Dahil hindi pareho ang schedule namin sa pagpasok ay pinakialaman niyang labhan ang maong at ilang piraso ng damit ko na hindi naman sana niya kailangang

