Chapter 44 “Huwag na kayong magsayang pa ng panahon, dalhin sa pinakamalapit na hospital at ako nang bahala sa lahat ng magagastos. Bilisan ninyo.” “Sige Boss.” Namatay na ang kabilang linya. Tumingin ako kay Papa. Hindi ako mapakali. Gusto ko nang puntahan agad si Mama sa hospital. Gusto kong tanungin ang Diyos sa mga ibinibigay niyang pagsubok sa akin. Gusto kong malaman kung bakit sabay-sabay naman ang pagdating ng problema. Kung bakit ako ginigipit. “Gusto kong puntahan si Mama sa hospital na pagdadalhan sa kanya Papa.” “Okey nang pakiramdam mo, anak? Malakas ka na ba? Kasi kung hindi pa, hindi muna ako papayag na bisitahin mo ang Mama mo. Unahin mo munang pagalingin ang sarili mo, anak.” “Pero okey na ako, Pa.” “Hindi. Hindi ako papayag na malagay ang buhay mo sa alanganin. M

