CHAPTER 46 Kailangan kong tibayan ang aking kalooban. Kailangan kong magpakatapang para sa aking pamilya kahit pa hindi pa ako gumagaling sa aking sakit. Kahit pa may sakit pa rin akong iniinda. Alam kong ano man ang mangyari, ako ang kakapitan ng aking mga kapatid. Kahit naman noon, nang hindi pa nangyayari ito sa akin, sa murang edad ay kailangan ko nang magpakatatag. Hinanap ko si Mama at mga kapatid ko sa mga naroong nagkakagulong mga tao. Mga bata at nanay na nag-iiyakan ang nakita ko sa lansangan. Mga tatay na may hawak na mga gamit ng kanilang pamilya. Mga kapitbahay ko na dati ay mga kabiruan ko na kahit anong hirap ng kanilang mga buhay ay nagagawa nilang tumawa ngunit ngayon ay nag-iiyakan na. Lahat ng mga tao ay abala sa pagligtas hindi lang sa kanilang mga gamit kundi kasama n

