CHAPTER 23 Sinubukan kong tawagan siya sa kaniyang celphone ngunit nakapatay na agad ito. Lalo akong naghinala. Hindi niya ugaling patayin ang kanyang cellphone. Ginamit lang niya kanina kaya paanong bigla na lang ito hindi ma-contact? Saka dati kapag ganyang umuuwi siya nang biglaan o may lakad ay panay pa rin ang chat o tawag niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong ganang gumawa ng kahit ano pa. Hindi ako nagbasa at nag-review kahit pa may exam kami kinabukasan. Kahit tinatamad, sinubukan ko rin naman baka kasi sa paraang ganoon ay makakalimutan ko siya ngunit hindi nangyari. Wala talagang pumapasok sa utak ko. Ang tanging nasa isip ko nang panahong iyon ay ang makausap sana siya. Hindi ko na kasi gusto ang pagdududa ko at kailangan kong malaman kung nasaan siya at

