SPADEWORK

1301 Words

Chapter 51 “Pagdating mo sa Texas, Houston may naghihintay na sa’yo doon na binayaran ng grupo na aasikaso sa’yo. Saka na kita ipakikilala sa kanila anak kapag magaling ka na sa sakit mo at kapag maayos na ang kabuuan mo. Ginagastusan ka ng grupo bilang isang pinakamahalagang investment kaya pag-isipan mong mabuti. Pwede ka pang umatras ngayon anak. Ayaw ko namang ikaw lang ang maghiganti. Malakas ang pwersa ni Franco kaya dapat malakas rin ang back-up mo.” “Sigurado na ako, Pa.” “Okey. Kung sigurado ka na talaga sana huwag na huwag mo akong ipahiya sa ating mga kasamahan,” sabi ni Papa sa akin. Sige na, mag-ayos ka na at sa susunod na linggo, pagkatapos ng pa-siyam ng Mama mo, tutulak ka na papuntang US.” Tumango ako. “Paano ang mga kapatid ko, Pa?” “Huwag kang mag-alala sa kanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD