Chapter 29 Akala ko, sandali lang siyang mawawala. Ngunit ang dalawang linggo na ang nakararaan, hindi pa rin siya umuuwi. Yung dalawnag linggo ay naging higit isang buwan. Sobrang na-miss ko na siya nang husto kahit lagi kaming magka-chat at nagkakatawagan. Iba pa rin talaga iyong nayayakap ko siya, nahahalikan, naaamoy at nakakasama. Namimiss ko siya nang husto. Nang huli niyang dalawang Linggo sa America, expectedly hindi na naman halos magparamdam si Axel. Napakahirap sa part ko dahil sabik na sabik na ako sa kanya, hindi ko pa nakakausap ng madalas. Ako yung naiwan na walang magawa. Ang sakit. Walang kasinsakit. Sa kabila ng mga iyon, sinikap kong isipin ang aking pag-aaral ngunit ang hirap pala. Hindi pumapasok sa aking isip ang mga lectures namin. May mga pagkakataong hindi ako n

