CHAPTER 56 Nakaiwas ang lalaking iyon pero may daplis din siya kagaya ko. Ang nakakahiya, expert siya kaya nga tinawag na master trainor pero ang neophyte na kagaya ko lang ang nakautak at nakasugat sa kanya. Mukhang man akong mahina. Wala pang propsyonal na alam sa pakikipaglaban pero mahusay ang isip ko, maliksi ang katawan ko at malakas ang loob kong pumatay o manakit dahil sa mga pinagdaanan ko. “I told you. Parang cute little swan but deadly. Ingat ka master. Don’t enderestimate her.” Natatawang sinabi ng lalaking sumundo sa akin kanina. Nilingon ko ang lalaking iyon na hindi ko na matandaan kung nabanggit na ba niya ang pangalan niya sa akin. Alam ko at tanda kong hindi ko naman siya pinansin o kinausap. Napansin kong gwapo ang lalaki. May pagkakulot ang buhok. Matangos ang ilong,

