Vol.3 Chapter 47 Nagulat na lamang si Van Grego ng biglang tumalon na mataas ang Two-headed Giant Crocodile. Alam ng halimaw na patpatin ang batang gumambala sa kaniya at napakaordinaryo lamang nito katulad na lamang ng mga naging hapunan niya noon. Idagdag pang napakababa ng Cultivation Level nito kumpara sa kaniya kung kaya't hindi niya nakikitang banta ang batang ito para sa kaniya. "Talagang minamaliit ako ng halimaw na ito. Kung gaano kalakas ito ay ganito naman ka-purol ang utak nito hmmp!" Mabilis namang hinawakan ni Van Grego ang kaniyang fire whip mula sa hawakan hanggang sa dulo nito at naging matigas na bagay ito at naging sobrang talim ang dulo nito. Isa na itong fusion Fire Spear na siyang natutunan niya lamang nitong nakaraang buwan niyang pagsasanay. Agad niyang sinalub

