"Hindi kita uurungan halimaw! Pangahas ang mga plano mo!" Sambit ni Van Grego habang galit itong nakatingin sa Purple Rain Lion. Pinilit niyang makatayo. Hindi niya alam na mayroong skill ang halimaw na ito, amg Purple Rain Punch. "Magaling magaling magaling, nalaman mo ang aking plano pero kaya mo ba kong pigilan? Isa ka lamang kuto na nagtatapang-tapangan sa harap ko. Lahat ng nasa loob ng Mystic Realm na ito ay magiging pataba ko. Bumalik na ang aking alaala, inilagay ako ng lalaking iyon para lumakas sa loob ng Mystic Realm na ito hahahaha!" Sambit ng Purple Rain Lion habang natatawa. Sa ugali at pananalita pa laamng ng halimaw na ito ay siguradong hindi ito umaatras sa anumang laban maging sa layunin nitong lumakas pa lalo. Sa harap ng batang si Van Grego ay hindi nito nakikita ang a

