Lumipas pa ang limang araw ay patuloy pa rin sa pagcucultivate si Van Grego kung saan ay sinikap nito na mapataas ang kaniyang tsansang makapagbreakthrough sa matataas na boundary ng cultivation. Maging ang pag-stabilize ng kaniyang enerhiya sa katawan ay ginawa niya ito upang hindi magkaroon ng paggulo ng kaniyang enerhiya sa katawan kung sakaling malagay o maipit siya sa delikadong sitwasyon. Maging ang kaniyang pundansyon o foundation sa kaniyang katawan ay mas pinatinbay niya pang lalo ng sa gayon ay hindi siya magkaroon ng problema kung sakaling magbreakthrough siya sa hindi inaasahang oras at panahon. Ang pagbreakthrough kasi ang pinakaespesyal na pangyayari sa buhay ng martial artists na minsanan lang dumating at isang napaka-kritikal na sitwasyon na dapat isaalang-alang ng bawat

