"Magandang umaga sa inyong lahat, ngayon ay isang malaking okasyon ito para sa mga batang Martial Artists na gustong sumuong sa mga nakaambang panganib ngunit may kaakibat na mga biyaya para sa kanila. Maaari lamang makapasok dito ang may Cultivation level na Martial Warrior Realm pababa, ang sinumang susubok na pumasok sa Mystic realm na may mataas na Cultivation Level ay agarang mamamatay dahil sa kakaibang harang na nakapalibot sa lagusan. Ngayon ay opisyal ng binuksan ang Black Phantom Forest para sa lahat ng batang Martial Artists." Sambit ng nakaasul na roba. Hindi nito ipinakilala ang kaniyang pangalan upang hindi magdulot ng anumang impormasyon sa kaniyang katauhan maging sa kanyang pinagmulan. Dahil isa siyang kinatawan sa nasabing okasyon o aktibidad ngayon ay kailangan niyang ma

