Mabilis nitong pinaghahampas ng kaniyang mahahabang soul chains si Starum pero todo iwas naman ito. Masyado kasing napakaagresibo at mabibilis ang tila buhay na soul chains. Naghahanap pa ng paraan si Starum kung ano ang gagawin niya upang makahanap ng butas o kung masisira niya ba ang patterns ng Soul chains at matamaan si Commander Ros. Maya-maya pa ay napangisi si Starum sa kaniyang naisip na paraan. Nagulat na lamang si Commander Ros ng biglang nawala sa kaniyang paningin si Starum at maya-maya pa ay napangisi siya ng maramdaman niyang nasa likod niya ito. Agad niyang isinagawa ang pangatlo at ito ang pinakamalakas niyang skill sa lahat. "Soul Chain Skill: Soul Chain Manifestation!" Agad na pumasok sa katawan ni Commander Ros ang kaniyang Soul Chain na animo'y parte ito ng sarili

