flashback>>>>>>>>>>> Kasalukuyang nasa isang kuweba si Van Grego, hindi malinaw ang background dahil masyadong ordinaryong pormasyon ng lupa lamang ito at wala kang makikitang kahit ano. Maya-maya pa ay biglang lumitaw ang napakaraming mga kulay ng mga spirit ng mga Martial Beast (Vicious Beast), pero naalala niyang sabi ni Van Grego ay Martial Spirit ito. Nakita niya kung paano nito inilagay sa loob ng osang parang hugis paso o pot. Unti-unting nilagay ni Van Grego ang mga Martial Spirit dito at nagkaroon ng pag-alog sa buong paso na animo'y mayroong nangyayari sa loob. Ilang oras din ang itinagal nito at maya-maya pa ay tumigil ang marahas na misteryosong pangyayari sa paso. Maya-maya pa ay lumabas ang isang kumikinang na bagay at ito ay ang Martial Sp

