chapter 39

2178 Words

Ang lawak ng buong resort ni Yuzef kasama na iyong under renovation na bahagi. Ang laki pa pala ng trabahong dapat gawin bago maging fully functional ang binabalak niyang buksang resort. Simula nang tumuntong ako sa resort at bakasalamuha ko ang mga taong pinagkakatiwalaan niya rito ay walang ni isang kumuwestiyon sa presensya ko. Siguro ay hindi nila ako kilala bilang Revira pero inaasahan kong kilala nila si Summer na fiancee ng amo nila kaya lalabas na isa akong kerida. Hindi naman ibig sabihin na amo nila si Yuzef ay hindi na ako mapasailaim sa panghuhusga nila bilang isang babaeng pumatol sa lalaking may ibang pinangakoan ng kasal. Takot lang siguro sila kay Yuzef kaya iniiwasan nilang makialam lalo na at hayagang pinapakita ng amo nila kung gaano ito kalambing sa'kin. Halos hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD