Mang makababa kami ni Yuzef ay naabutan naming may kung anong pinag-uusapan ang mga naghihintay sa amin. Mabilis na nagsitahimik ang mga ito nang mamataan ang pagdating namin. Napapagitnaan ng dalawang kasama ang lola ni Yuzef. Nasa kanan nito ang babaeng malaki ang pagkakahawig kay Yuzef at sa kaliwang bahagi naman iyong pamilyar na ginang na nakita ko sa hotel noong nakausap ko sina Yannah ay Yvan. Mukhang ang setting arrangement nila ang kanilang battle formation. Nasa gitna ang heneral at nasa magkabilaang gilid ang dalawa nitong tenyente na parehong masama ang tingin sa'kin. "Lola Sol, this Feliz," magalang na pakilala sa'kin ni Yuzef. Tumayo kami ilang hakbang mula sa kinauupuan ng tatlo. "Feliz Revira," pagbubuo ng pangalan ko ng katabi ng matandang kamukha ni Yuzef. Pare

