Hindi maipinta ang mukha ko habang pinapanood ko si Inay habang kinakasal sa lalaking iniibig nito sa totoo lang ay nagtatampo pa rin ako sa aking Ina. Ang sabi niya noon sa akin ay hindi na raw siya mag-asawa, dahil natatakot na raw ito sa unang naging asawa nito na aking ama, dahil palagi itong sinasaktan. Bata pa lang ako nang iwan nga kami ni Itay at sumama sa ibang babae. Kaya si Inay lang ang nagtaguyod sa akin. Lahat yata ng trabaho ay pinasok nito upang maibigay ang lahat ng pangangailan ko. Pati ang paglalabandera ay pinasok nito. At doon niya nakilala ang lalaking pinakakasalan nito ngayon. Hindi naman kasal sina Inay at ang Itay ko kaya puwede pang magpakasal ito. Parang nakakasama lang ng loob, dahil ginawa ko rin naman ang lahat upang matulungan si Inay. Kaya nang sabihin

