(JARED's POV) I STREACHED my arms and back dahil sa nangangalay na ang aking mga braso. Hindi ko namalayan na alas- siyete na pala ng gabi sa dami kong ginagawa. Pagkatapos napahilot ako sa aking sentido dahil sa biglang sumakit ang aking ulo. Kaagad kong pinindot ang intercom na naka-konekta sa mesa ng aking sekretarya. “Eunice, can you please, bring me a cup of brewed coffee,” utos ko sa aking sekretarya. Kailangan ko ng pampagising dahil medyo nakaramdam ako ng antok. “Just a minute, Sir Jared.” Kaagad ko ng pinatay ang intercom. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at isinandal ang aking likod sa swivel chair. Kahit paano gumaan ang aking pakiramdam. It feels so relax. Muli kong sinilip ang aking relong pambisig. Ilang minuto na lang, uuwi na ako dahil paniguradong naghihinta

