(Stella’s pov) NAGING malapit ako sa tatlong mga bata kahit na sa maikling panahon, kahit ilang oras pa lang ang pagitan nang makilala ko sila. At sila rin ang nagbibigay ngiti sa aking mga labi. Hindi nila hinayaan na maging malungkot ako. Pero kahit ganoon pa man hindi nawawaglit sa aking isipan ang aking anak. Tanging sa kanya lang naka-focus ang aking isipan. Sobrang nangungulila at miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang makarga at mayakap ulit. Mamimiss ko lahat ng aking maginagawa sa kanya. Sa pagpapaligo niya tuwing umaga, pagpapalit ng damit at diaper at higit sa lahat ang pagpapadede sa kanya. Ito ang bonding namin bilang mag-ina. Masaya akong nakikita siyang nabubusog sa aking gatas. Kaya mas lalo akong nalulungkot kapag nagpa pump ako ng akong s**o. Nasasayang lamang ang a

