(STELLA's POV) MASAYA akong naiintindihan naman ni Romel ang aking sitwasyon. Ayaw kong hindi kami magkakaunawaan na dalawa. Para na rin kapatid ang turing ko sa kanya. Kabilang siya sa pamilya ko rito sa Cebu. Kung hindi dahil sa kanila hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin ngayon. Maluwag nila akong tinatanggap dito sa kanilang pamamahay na hindi tinuturing na iba sa kanila. Magkasama kaming bumalik ni Romel sa kusina. “Jared, patawarin mo ako kung nasuntok kita. Ayaw ko lang masasaktan itong si Stella,” hinging paumanhin ni Romel kay Jared. “Walang kaso sa akin ’yon, pare. Just forget about it. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo bilang kaibigan ng aking asawa.” “Ouch, ang sakit naman sa, Pare. Pero ayos na 'yan. Basta mangako ka sa akin hindi mo na sasaktan it

