- THANK YOU?
Allison's POV:
Hayy buhay! 1 week na pala simula nang bumalik kami dito sa Pilipinas ni Blake. Nandito ako ngayon sa bahay namin DAW. Yes, may sarili kaming bahay ni Blake. Ang ganda nga ng bahay eh. Malaki ang bahay, may 2 storey. Sa 1st foor nandoon ang kitchen and a big living room. Sa 2nd floor naman ay may 5 rooms. Every room have there own comfort room and a veranda. At ang pinakapaborito kong part ng bahay ay ang Rooftop.
It's a rooftop garden, kasi may mga nakatanim sa rooftop. May swing din dito, at sa ibabaw ng swing ay may parang bridge sya na may mga dahon na may bulaklak. hehe alam nyo 'yon guys? Basta yon na yon hehe. Isa talagang dream house ang bahay na 'to sa akin (*o*//)
** BZZZT **
Napatingin naman ako sa phone ko ng mag-vibrate ito.
1 unread message:
From: Reyes
Uuwi ako dyan mamaya.
Oh himala uuwi si Reyes. Tatlong araw na rin hindi umuuwi ang kumag na 'yon dito. Siguro dahil sa underground battle fight. Well what do you expect to a gangster? Hay nako! Makapagluto na nga para makakain na 'yong unggoy na 'yon.
Marunong naman ako magluto, nag-aral talaga akong magluto kasi gusto ko pinaglulutuan ko si Lelouch ng pagkain. Pagnagagalit sya sa akin, nilulutuan ko lang sya at pagkatapos nyang kainin ang niluto ko ay hindi na sya nagagalit sa akin.
Speaking of Lelouch. Kamusta na kaya ang kapatid ko na 'yon? Miss ko na sya. Hindi ko rin kasi sya tinatawagan o tini-text man lang kasi baka magtanong lang sya kung bakit hindi ako umuuwi at kung nasaan ako.
Alangan naman sabihin kong nasa bahay ako ng asawa ko o di kaya sabihin ko sa kanya na kinasal na ako. Sigurado akong papatayin ako non.
Pagtingin ko sa relo ko 6:30 pm na pala. Tamang-tama tapos na rin ako maghanda ng hapunan. Saan na kaya sya? Kanina pa 'tong text nya. Ite-text ko nalang sya.
TO: REYES
Nasan kana?
** MESSAGE SENT **
Umupo muna ako sa sofa at nanood ng TV. 8 pm na pero wala pa rin sya. Haist! Nasaan naman kaya 'yon? Tinignan ko naman ang phone ko at tinignan kung may reply sya, pero wala syang eh. Kumuha nalang ako ng sticky note at sinulatan ito.
Blake,
Mauna na akong matulog Blake, ang tagal mo kasing dumating. Pinaghanda na rin kita ng hapunan mo. Kainin mo ha? Ako pa naman nagluto nyan.
Goodnight ^__^
- A.F
Nilagay ko sa lamesa ang note ko para kay Blake at pumunta na sa kwarto ko. Magkahiwalay kami ng kwarto ni Blake. Dapat lang no, baka ma-rape ko pa sya. haha syempre joke lang. (^O^)
Nag-shower muna ako bago nahiga sa kama ko. Napatingin lang ako sa kisame. Bakit ba parang na miss ko sya? Haist! Inaantok ka lang Allison. Mabuti pa't matulog ka nalang at first day of school pa naman bukas. Maya-maya ay dinalaw na rin ako ng antok.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
***
Blake's POV:
11 pm na ako nakauwi ng bahay. Napasarap kasi ang kwentohan sa bar. Pumunta ako ng kusina para sana kumuha ng tubig ng mapansin ko na may mga pagkain sa lamesa at may sticky note pa.
Blake,
Mauna na akong matulog Blake, ang tagal mo kasing dumating. Pinaghanda narin kita ng hapunan mo. Kainin mo ha? Ako pa naman nagluto nyan.
Goodnight ^__^
- A.F
Talaga? Sya nagluto nito? Nako, baka may lason ang mga niluto nya. Tiningnan ko ang mga pagkain na nasa mesa at napabuntong hininga.
Sige na nga, kakainin ko nalang 'to. Bigla rin kasi ako nakaramdam ng gutom. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang mga pinggan. Papasok na sana ako ng kwarto ng napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Allison. Hindi ko alam pero pumasok ako at tiningnan sya. Ang himbing ng tulog nya.
Sinara ko na ang pinto nya baka kasi magising pa sya. Pumunta na ako sa kwarto ko. Nag-shower pagkatapos ay tumalon agad sa kama ko.
Thank you Allison.
Napangiti nalang ako at natulog.