Allison's POV: Nang binuksan ko ang pinto ay nakita ko sina Walter, Zachary at Xander na nakaupo sa iba't-ibang couch at seryoso ang mga mukha. Dumiretso na ako sa upuan ko at tiningnan sila isa-isa. "Nasan si Lelouch?" Wala kasi ang kapatid ko pero yong kotse na ginagamit nya ay nasa labas. "Pumunta ng Japan, may aasikasuhin daw." Sagot ni Zachary, tumango naman ako. "Anong balita?" "Di ba nasabi ko na sa iyo dati na ang nagmamay-ari ng katanang nabili mo ay si Yahiko Yamamoto?" Tanong ni Walter, tumango naman ako bilang sagot. "Ang katanang nabili mo ay nagngangalang 'Darkness Evangel'. 'Evangel' means 'Evangeline', name ng tunay na nagmamay-ari ng katana. Ginawa ito sa ngalang ni Evangeline, at tinawag din itong Darkness dahil napag-alaman ko na marami na pala ang dugong bumabalot

