Allison's POV: Hmm alin kaya ang mas masarap na i-bake? Ito kayang chocolate? Vanilla? Or Black forest? Nandito kasi ako ngayon sa super market at naggo-grocery. Namimili kasi ako ngayon sa recipe book ng flavor na pwedeng i-bake na cake para kay Blake. Hindi ko naman naitanong kung anong gusto nyang flavor sa cake. May plano kasi akong ipag-bake sya ng cake para pag-uwi nya. Yeah! Pag-uwi nya, umalis kasi sya kahapon at ngayong gabi ang uwi nya. Ang paalam nya sa akin ay magbo-bonding lang daw sila magkakaibigan. Ang hindi nya alam ay alam ko kung saan talaga sya pupunta. Alam ko na sa twing magpapaalam sya sa akin na aalis sya at kasama nya ang barkada nya ay alam ko na pupunta sila sa underground. Paano ko alam? I always have an eyes and ears for him. Minsan ay ako mismo ang pumup

