Allison's POV: Bwisit talaga ang babaeng 'yon. Hindi ko naman sya inaano ah. Isa pa 'yong asawa ko na walang kwenta. Ni hindi man lang ako tinulungan? Akalain mo 'yon? Hanep! Nakakabadtrip! Magsama silang dalawa. Umuwi muna ako para maligo at makapaglit na rin ng damit. Langyang babaeng yon, ang lagkit ng juice na tinapon nya. Sayang tuloy yong juice. Pagkarating ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Magkahiwalay kasi kami ng kwarto ng hinayupak kong asawa. Kasi nga mag-asawa lang DAW kami sa papel. At tsaka ayoko nga makasama sa kwarto 'yon. Baka ano pa ang gawin sa akin. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Habang nababasa ng tubig galing sa shower ang katawan ko, naalala ko na naman kung ano ang nagawa ko. Haist! Hindi ko na naman na-control ang sarili ko kanina, nakagawa tulo

