Maegan's Point Of View* Nag iinit pa din ang mukha ko plus napahawak pa ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog. Jusko di ako sanay na makipag harapan sa mga taong hindi ko kilala. First time sa akin ang ganung bagay. Actually isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako lumalabas at nagpapakita sa publiko dahil natatakot ako sa kanila. Natatakot ako sa mga sasabihin nila pero nung narinig ko yung mga chismis nila ay parang wala na yun sa akin pero nung dumating si Den ay doon na parang nagrumble na ang puso ko. Pakiramdam ko para akong sikat na tao na nagtatago. Waa gusto kong magtago sa ilalim ng mesa nun! "Sweetheart?" Napatingin ako kay Den na dinikit niya ang noo niya sa akin na kinalaki ng mga mata ko. "Wala ka namang lagnat. Pero bakit ang pula ng mukha mo, Sweetheart?" "At na

