Maegan's Point Of View* Nasa laboratory kami ngayon at marami ngang mga Doctor na tumutulong sa pag gawa ng Antidote para sa mga pinainom ng Druga. Nakahawak ako ngayon sa kamay ni Aiden habang naglalakad at nananatili pa din ang malamig na mukha niya habang naglalakad kami ngayon at nakita ko sa unahan sina Kuya Lincoln at Kuya Arlo. Sa mga hindi nakakaalala si Kuya Lincoln ay siya ang anak ni Tita Joanne at Tito Edwin at si Kuya Arlo naman ay anak nila Tita Julie at Tito Kin. Napatingin naman si Kuya Arlo sa akin. "Princess!" Lumapit siya sa akin at yayakapin sana niya ako pero natigilan siya at napatingin kay Aiden. "Ay bantay sarado?" Nakapout na ani ni Kuya Arlo. Lumapit naman siya sa akin at nag beso beso na lang kami at lumapit din si Kuya Lincoln at ganun din ang ginawa ni

