Maegan's Point Of View* Matapos kaming kumain ay napagpasyahan na naming umalis pero hindi kami sa school dumaan kundi dito sa loob mismo ng Mafia Empire at mabuti hindi ako naka uniform ngayon dahil may dala naman akong extra. Nakahawak lang si Aiden sa kamay ko at sinabi din niya na may ipapakita daw siya sa akin. At hindi ko din naman alam kung ano. "Den, are you sure na dito tayo dadaan?" Ngumiti naman siya at tumango pero ang pinagtataka ko ay nandito nga kami sa Mafia Empire pero kahit mask ay wala akong sout. Ano itong ginagawa niya! Nang may naalala akong mask sa bulsa ko kaya agad ko siyang pinahinto at sinuot ko ang mask ko. "Why are you wearing that?" "Ayoko munang maya makakakilala sa akin. Kung ipapakilala mo naman ako ay okay na nagsout ako ng ganito." "Fine, kung y

