MAULAN ngayong araw, ako na ang nagsilong ng sinampay dahil sina Manang Rosalinda ay abala sa pagluluto at paghahanda ng lugar para sa kaarawan ni Tyler. Gusto ko sanang kumain na lang sa labas para magsalo-salo kaya lang ay mas gusto rito ni Martin dahil gano’n ang nakaugalian niya simula noong bata pa.
Bumalik na ako sa loob at hindi pa man ako nakalalapit sa kusina, amoy na ang mababangong putahe. Pumunta ako roon at balak ko rin ipagluto si Tyler ng paborito niyang chocolate cake na ako mismo ang may gawa.
Habang abala ang lahat, nagring ang phone ko. Binigay ko na munasa isang kasambahay ang panghalo at agad sinagot ang tawag.
“Hello?” - ako
“Hi. This is Dra. Villardez, kakamustahin ko lang sana si Tyler?” -Dra. Villardez
“Ow sorry, number lang kaya hindi ko alam na ikaw. He’s fine, actually birthday niya ngayon,” - ako
“Ahm.. yeah. Kaya ako napatawag, Nakita ko yung record niya at nakalist na birthday niya ngayon. Nandiyan ba siya?” Dra. Villardez
“Thank you. Wait I’ll call him,” – ako
Tinawag ko na si Tyler at agad naman itong bumaba para kausapin ang kanyang doctor. Habang magkausap sila, natutuwa ako dahil ngayon lang nagkaroon si Tyler na halos makasundo niya.
Takot si Tyler sa mga gamot na tinutusok pero dahil maganda si Dra. Villardez at ito ang hilig ng anak ko ay nagkakasundo sila. Kung minsan pa ay mas gusto niyang hawak ang kamay nito kaysa sa akin. Noong nakaraan ay binalak ko siyang asarin sa bagay na iyon na mas mahal na niya ang ibang tao kaysa sa sariling ina hanggang sa napaamin itong may paghanga sa doktora.
Kasalukuyang siyam na taong gulang pa lamang si Tyler at mukhang maagang nagbibinata. Maya-maya pa, nakangiting humarap sa akin ang aking anak na parang may kakaibang ngiti akong napapansin.
“Mom, can we invite Dra. Villardez for dinner?” tanong ni Tyler. Pailing-iling ako habang natatawa. Tumango na ako para hindi siya mangulit. Masaya niyang iniharap muli ang telepono na kasalukuyang nasa kabilang linya pa rin si Dra. Villardez.
Hindi nagtagal, pinatay na rin niya ang tawag at masayang bumalik sa itaas para maglaro.
“Tyler be careful, ang sabi ng doctor bawal ka magpagod,” paalala ko sa kanya.
“Noted mom,” sambit niya bago isarado ang pinto.
******
Dumating na si Dra. Villardez sa bahay tulad ng napag-usapan, naging ganado naman ang aking anak noong makita siya. Ilang saglit, narinig ko na mula sa labas ang sasakyan ni Martin.
Pagpasok nito ay may dalang regalo, mga lobo at siyempre ang bulaklak na para sa akin. Palapit na siya noong makita si Dra. Villardez. Kumapit naman si Tyler sa braso niya.
“Dad, I invite her to come and celebrate my birthday,”
Humalik sa pisngi ko si Martin bago batiin ang bisita at pumasok na ng kuwarto para magpalit ng damit. Pagkaalis niya, kumuha muna ako ng vase para ilagay ang mga roses at matapos, muli akong bumalik sa upuan kung saan ay katabi si Dra.
“So sweet. Sana kapag nag-asawa ako ay maging ganiyan din siya sa akin,” sambit niya na tila nag-iimahinasyon.
“Wala ka pa bang natitipunan?” puno ng kuryosidad kong tanong.
“Actually meron, pero private pa ang relasyon namin for some reason,” sagot naman niya. Ayaw kong halungkatin ang buhay ng iba kaya hindi na lang ako kumibo pa.
“Sana makilala din namin siya,”
Natapos ang usapan namin sa pagbukas ng pinto. Umupo si Martin sa harap ko at si Tyler naman ay nasa tabi niya na katapat naman ni Dra.
“Sure. Ipapakilala ko siya sa inyo,” biglang sagot ni Dra. Villardez.
“May boyfriend ka na, my Alexa?” nalulungkot na tanong ni Tyler na anumang oras ay mukhang maiiyak na. Tinignan ko si Martin na natigilan din sa pagkain.
“Hmm oo eh pero ikaw pa rin ang baby ko,” suyo naman ni Dra.
“Okay,” maiksi sagot ng anak ko bago magtuloy sa kinakain.
Nagkwentuhan kami ng tungkol sa buhay- buhay at hindi na napansin pa ang padilim. Nagpapaalam na si Dra. Villardez na uuwi na kaso lang ay biglang umulan ng malakas at si Tyler ay ayaw pa pauwiin ito.
“Sa Manila ka pa pala uuwi, mas mabuting dito ka na lang mag-stay Dra. At bilang pasasalamat na rin sa pagpunta mo kahit alam naming busy ka,” anyaya ni Martin. Sumang-ayon ako dahil tama siya at ang balita ay mayroong bagyo kaya delikado kung luluwas pa siya.
“Nakakahiya naman pero salamat. Hindi na ako tatanggi at nakakatakot nga,”
Niyaya ko na siya sa isang guest room. Si Tyler naman ay pumunta nasa kuwarto at gano’n din sila manang Rosalinda ay nagpahinga na. Kami na lang ngayong tatlo ang natira.
“Bilang pasasalamat, may dala nga pala akong wine. Kukuhanin ko lang sa sasakyan,” paalam ni Dra. Hindi talaga ako umiinom pero nakakahiya namang tumanggi.
Naghanda na ako ng shot glass para sa aming tatlo. Unang lagok ko pa lang, parang babaliktad na ang sikmura ko sa lasa.
Nagtuloy ang kwentuhan tungkol sa propesyon na aming kinuha. Masasabi kong mahusay siyang doctor dahil sa daming sertipikong natanggap ngunit nakalulungkot lang na wala na pala siyang mga magulang hanggang sa nabanggit niya ang pagkamatay ng kanyang ama. Bigla kong naalala ang nakaraan, hindi ko na namamalayang marami na akong naiinom, hindi dahil sa gusto ko kung hindi sa gusto kong makalimot.
Sa dami kong nainom, hindi ko na napansing unti-unti na akong nakatulog. Baka magdilim ang lahat, Nakita ko pa ang anino ni Martin na binuhat ako papasok ng kuwarto at wala na akong naalala pa sa mga sumunod na nangyari.
*****
Nagising ako mula sa sinag ng araw. Masakit ang ulo kong tumayo, wala si Martin sa tabi ko. Pilit akong bumangon at dumaretsong kusina para magtimpla ng kape. Nadatnan ko ang nagkalat na bote na ininom pala namin kagabi.
Taka kong tinignan ang kabuuan ng lugar, wala dito si Dra. Villardez at ang asawa ko. Tinigilan ko muna ang pagtitimpla ng kape at napatigil ako sa nagkalat na damit ng asawa ko.
Nanlalamig akong hawak ang doorknob, marahan muna akong pumikit bago ito pihitin. Sa anumang oras ay maaari na rin tumulo ang luha ko.