THIRD POV GALIT na pinunit ni Martin ang mga litratong na nasa lamesa. Ang bawat anggulo ng litrato ni Alisha habang may kasamang lalaki ay nandito. Halos saktan na niya ang kanyang sarili sa pagtama ng kamao sa dingding. Maraming nangyari matapos ang pagkakamatay ni Alex. Ang inaakalang masayang pamilya ay hindi na mabubuo pa dahil sa babaeng dumating upang muli silang sirain. Dumating si Grace na may hawak na tray upang dalhan ng pagkain si Martin. Ang kaninang maamong mukha ng babae ay napalitan ng isang madilim na anino. “Did you like it?” animo’y nang-aasar na tono at kinuha ang isa sa mga litratong nagkalat. “No,” maiksing sagot nito at lumapit kay Grace. “Because I still love her. Ako lang ang nakuha mo pero kahit kailan, hindi kita magagawang mahalin,” Ang m

