Dale's POV May nag doorbell sa labas ng kwarto at malamang dumating na ang order namin. Nagkatinginan kami saka ngumiti ang aking asawa. Humiwalay ako sa kanya. Tumayo ako at binuksan ang pinto.Sumalubong sa ilong ko ang halimuyak ng mga pagkain. Binati ako ng waiter at tumango ako. Binigyan ko ng espasyo ang waiter para ipasok ang tray ng pagkain sa kwarto namin. "Terimah kasih," pasasalamat ko sa waiter ng matapos niya ipasok ang tray. "Sama-sama," wika niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Agad ko isinarado ang pinto saka hinarap ang bagong dating na pagkain. Takam na takam ako sa mga in-order ko lalo na ang spicy noodles. "Pampagana ng pagmamahal," sabay kindat sa asawa ko na ngayon ay nakaharap na rin sa mga pagkain. "In your face," nakangiti niyang pagsagot sa akin. Chaofan a

