Sophia's POV with SPG Habang nakasandal ako sa gilid ng pool ay nakapikit ako habang ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. Bigla akong napamulat ng aking mga mata ng hawakan niya ang aking pang-upo gamit ang dalawa niyang palad. Pinisil-pisil pa ito na nakangising nakatingin sa aking mga mata. Dahil magkaharap kami kaya kitang-kita ko kung paano napalitan ng malagkit ang kanyang mga tingin sa akin. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi na halata na inaakit ako. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mga labi sa aking labi. Niyakap ko ang kanyang leeg ng sinipsip niya ang aking labi. Ginantihan ko siya ng matamis na halik at nalasahan ko pa ang ininom naming alak. Masarap ang lasa para sa akin kahit hindi pa naman ako lasing. Patindi ng patindi ang am

