Isaias 57:1-2 "1 Ang matuwid ay namamatay, at walang nag-iisip nito; ang madasalin ay inalis, at walang nakakaunawa na ang matuwid ay inaalis upang iligtas sa kasamaan.2 Ang mga lumalakad nang matuwid ay pumapasok sa kapayapaan; nakatagpo sila ng kapahingahan habang sila ay nakahiga sa kamatayan." ***** Sophia's POV Nakatakip ng bunganga ang dalawang kasambahay ng lingunin ko silang may ngiti sa aking labi. "Maraming salamat sa inyo dahil masisipag kayo. Mag-merienda na tayo." Pagyaya ko sa kanila. "Tapos na kami nag-merienda,hija." Sabi ni Manang Belia sa akin. "Ma'am, akin na si baby KM para makakain ka. Laruin namin ni Manang Belia sa hardin. Tapos na ang lahat ng trabaho namin kaya pahinga na namin kasama na si baby KM." "Sige. Salamat sa inyo,huh." "Walang anuman, Ma'am. N

