1 Tesalonica 5:11-12 "Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon. Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon." ***** Sophia's POV Natapos ang aming meeting sa opisina ni Dale. Bago pa kami lumabas ay naging bonding pa naming tatlo ang kanyang opisina na naiwan sa loob. Pagkatapos ng meeting ay naunang lumabas si Daddy Faustino. Nilaro ni Dale si baby KM at laking galak sa aking puso na makita silang gano'n. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Mula ng nalaman ni Dale na nakaburol ang Daddy ko ay kasa-kasama namin siya sa pag-attend ng vigil hanggang sa libing ni Daddy. Umuwi kami sa aming mansion pagkatapos ng isang linggong bak

