Santiago 1:17 "Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay mula sa itaas, bumaba mula sa Ama ng mga liwanag. Hindi siya nagbabago katulad ng paglipat ng anino." ***** Dale's POV "Thank you so much," sabi ko at tuluyan kong nilisan ang counter. Nagpatuloy ako sa aking paglakad at nakasalubong ko ang nurse na iniwan ko sa kwarto kanina na nagtanggal ng dextrose ng asawa ko. Matamis ang kanyang ngiti para sa akin. "Sir, a patient care will come into your room later for a wheelchair for your wife." "Yes please and thank you so much." "Welcome sir," wika nito. Ilang kwarto pa ang nadaanan ko bago ang kwarto ng asawa ko. Nakangiti akong pumasok sa kwarto at agad kong sinarado ang pinto. Nagmartsa akong lumapit na hindi tumitingin sa kanya. "Baby, " excited kong tawag sa kanya para ibalita

