Dale's POV with SPG Sinabayan ko na rin siya sa kanyang ginagawa. Tinaas ko ang aking mga kamay at sumigaw. Humahalakhak naman siya na nagustuhan ang ginawa ko. Trenta minutos ang pag-ikot-ikot namin sa ere bago tumigil. Binilisan kong alisin ang aking buckle at tinulungan siya na alisin ng kanyang buckle saka ko inalalayan siyang tumayo. "Hindi ka ba nahihilo, baby ko?" Nag-aalala na tanong ko. "Hindi, baby, matapang ito at gustung-gusto pa ng baby natin sa loob ng tummy ko," nakangiting sabi nito. Magkasabay kaming nagtawanan habang paalis patungo sa ibang rides. Sumakay kaming dalawa sa may carousel, gano'n din sa iba pang rides na safe sa kanya. Nagmukha kaming mga bata kasabay ng mga magulang na kasama ang kanilang mga anak sa rides. Ng mapansin ko ang oras ay inaya ko na siya u

