Chapter 7: The Flight

2012 Words
Sophia's POV At ngayon ay nag-iimpake ako, hindi ako pumasok sa opisina dahil ito ang unang araw ng vacation leave namin ni Dale. Nagpunta pa rin siya kahit si Daddy Faustino muna ang aalalay habang wala kami. Uminat ako pagkatapos ko sa pag-impake. Hapon na ng makauwi si Dale sa aming condo unit. Nasa sala ako habang hinihintay siya, dahil katatapos ko lang magluto ng aming hapunan. Tumayo ako para salubungin siya ng halik at yakap. "Hello, baby. I miss you!" Sabay halik sa aking bibig. Yumapos ako sa kanyang leeg para mahalikan din siya ng mas higit pa sa kanyang ginawa. Pagkatapos ay yumakap ako sa kanya. Yumakap din siya sa akin pabalaki. "I miss you more, baby." Sabi ko sa kanya saka ako ngumiti ng matamis. Hinalikan niya ako muli saka bumitaw sa akin. Umupo siya sa couch habang nakatayo ako sa kanyang tabi. "How's work?" "Well, baby, everything is fine. I helped Daddy Faustino, today." "Okay, have a rest and let's eat later. I will prepare the food now." Hindi ko na siya hinintay pang mag salita dahil nag-tungo ako agad sa kusina upang ihanda ang hapag-kainan. Tinawag ko siya pagkatapos maghain at kumain kaming masaya. "Do everything is ready?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa aming bagahe. "Yes, baby, put if you want something more," sabi ko. Ini-check muna niya lahat ng dala namin. Nag-thumps up na siya na ibig sabihin ay maayos na ang lahat sa aming bagahe. Inayos ko naman ang hand-carry ko sa aking sling bag. Maliban pa sa dala kong maliit na back pack. Kinabukasan ay pareho kaming nasasabik ng asawa ko habang gumagayak. Masaya ako dahil makakapunta ako sa Amerika kasama ang lalaking mahal ko. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa iniisip kong honeymoon. Late na honeymoon ito pero okay lang dahil makakapasyal kami. Mabilis kaming nakarating sa Airport, convoy kami dahil parehong pamilya namin ang naghatid. Nagpaalam na kami sa aming mga magulang sa labas ng gate dahil hind pwede sila pumasok sa loob. "Mami-miss namin kayo. Gawa na kayo ng apo namin dahil sabik na kaming magkaroon ng mga apo," sabi ni Mommy Carmella. Sumang-ayon din sa kanya ang Mommy ko. Namula ako dahil sa sinabi ni Mommy Carmella. "Bye everyone," sabi ni Dale na hinawakan ang kamay ko para pumasok na sa loob. Hindi na ako lumingon sa kanila para hindi ako umiyak, pinaka-ayoko sa lahat ay drama. Tulak ni Dale ang push cart na naglalaman ng aming bagahe. Pagkatapos maipasok sa baggage counter ang aming bagahe ay pumila na kami para maiproseso ang lahat. Makalipas ng ilang sandali ay nakapasok na kami sa loob ng eroplano. Inayos ng aking asawa ang aming upuan at prente na kaming nakaupo. Habang naglalakad kami ni Dale ay may namataan ako na parang nakamasid sa amin. Kinabahan ako at napahawak pa ako sa aking dibdib. Dahil hawak niya ang aking kamay ay di nakaligtas sa kanya ang panlalamig ng aking palad. Pinisil ko ang kanyang palad kaya napalingon sa akin. "What's wrong, baby?" Bulong nito sa akin. "Parang may nakamasid sa atin, baby," bulong ko sa kanyang tainga habang naglalakad kami. Luminga-linga kaming pareho pero wala kaming nakita na kakaiba sa paligid. Abala ang mga tao sa paghahabol ng kani-kanilang flight gaya namin. Kinakabahan tuloy ako kaya napalunok ako ng laway. Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa kamay niya dahil sa aking nerbiyos. Pinisil ulit ang aking palad. "Calm down, baby, we are safe," bulong niya ulit sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya. Sana guni-guni ko lang ito. Binilisan namin ang aming paglakad hanggang sa makarating kami sa gate kung saan papasok sa eroplano. In a few minutes nasa ere na ang eroplano na aming sinasakyan. Pagkatapos ma-i-demo ang mga safety precautions at pag-distribute ng puting basang bimpo, maliit na unan at mga kumot ay naging tahimik na ang paligid. Lumapit ako sa kanya at nagtanong kung walang napapansin sa aming paligid. Tinanong ko pa kung ako lang ang nakaramdam na parang may nagmamasid sa amin. Ewan ko pero ramdam ko na meron kahit kanina ng umakyat na kami sa eroplano. Hindi ko na siya kinulit pa tungkol duon. Umupo ako ng maayos. Bahagya pa akong nanatiling nakatingin sa harap. Natauhan ako ng nagsalita siya "Mahaba ang biyahe natin, baby, mainam na matulog ka muna para makapag pahinga. Dahil pagdating natin duon may laban tayo," walang preno na tinuran ng aking asawa. Namula ang pisngi ko dahil naintindihan ko ang kanyang mga sinabi. Pinalo ko siya sa kanyang braso at isinangga naman niya ito. Mag-katabi kami ni Dale kaya inilapit ko ang aking katawan sa kanya. Ipinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Tumingala ako sa kanya saka ko hinalikan ang kanyang labi. Tumugon siya sa aking halik. Wala akong pakialam kung may makakita sa aming ginagawa. Hiniwalay ko ang aking labi saka ngumiti. "Thank you, baby, for all the support," I whispered. "No problem, baby, I did it because I love you!" Nag harumentado ang puso ko dahil sa sinabi ng aking asawa. Hinawakan ko siya sa kanyang mukha gamit ang aking dalawang palad. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Ngumiti ako ng matamis saka ako nagsalita. "I love you more, baby," I answered. Hinawakan niya ang aking pisngi sa pamamgitan ng kanyang palad. "Have a rest, baby." May inabot siya sa gilid ng aking upuan kaya na-inclined ito. Ngumiti pa sa akin ng makitang komportable ako. Kinuha ang headphone at inilagay sa kanyang tainga. Mabilis na pinindot ang maliit na screen monitor sa kanyang harapan para manuod ng movie. Pipikit sana ako ng makita ang ilang magazines sa tapat ng aking upuan. Inabot ko ito saka binuklat. Nagbasa ako hanggang natapos ko rin naman ito. Ibinalik ko ito saka kumuha ng bago. Napa wow ako sa aking nakita na litrato. Para ko silang namukhaan at kilala ngunit hindi ko matandaan. Mga bata ang lalaki at babae sa litrato, sa tingin ko nasa mid twenties pa sila. Binasa ko ang nakasulat sa itaas ng kanilang litrato o ang caption nito. "Young Successful Entreprenuers," tatango-tango pa ako dahil sa nabasa ko. "Do, we, look awesome?" boses ni Dale na ikinagulat ko. Kumunot ang noo ko sa salitang "we" kaya napatutok ako sa magazine. Nang marealized ko na kami pala ang nasa litrato ay ngumiti ako. Walang pagsidlan ng tuwa sa puso ko. Tumingin ako muli sa kanya. "Finally you recognized us, baby," wika nito. "Baka makilala tayo dito?" "No worries, we are only few here and besides this is a private plane!" Hindi ko man lang napansin kanina na kunti lang pala kami dito. Ibinalik niya ang kanyang paningin sa pinapanuod nitong palabas. Ipinagpatuloy ko naman binasa ang laman ng article tungkol sa amin. Tama naman ang impormasyon na binanggit dito at nakapagbigay ng inspirasyon sa larangan ng negosyo. Pagkatapos ko mabasa ay ibinalik ko na sa lagayan. Lumingon sa akin si Dale at i-icheck talaga kung anong ginagawa ko. Kasalukuyan kong kinakalikot ang maliit na monitor na nasa harap ko. Pagkapili ng movie na papanuorin ko ay pinindot ko ang play button. Isinunod ko naman ang pagsuot ko ng aking headset. Sinalubong ko ng tingin si Dale at nag thumbs-up pa ako sa kanya na ibig kong sabihin ay maayos ako. Kinindatan niya ako saka ngumuso. Pinandilatan ko naman siya ng aking mga mata. He chuckled marahil sa hitsura ko. Ibinalik ko ang aking paningin sa aking pinapanuod lalo pa at adventure ang movie. Excited ako lalo pa sa mga bida na paborito ko. Buhay na buhay ang diwa ko sa tuwing may laban ang dalawang bida. Mabuti nga hindi ko napapalakas ang boses ko sa pagsigaw ko. Dahil sa paglikot ko ay nasasagi ko ang balikat niya. Minsan napapalo ko ang kanyang braso ngunit di naman malakas. "Namumuro ka na, baby, ha!" reklamo naman nito sa akin. Hindi ko na lang siya pinapansin at pinag patuloy ko lang ang aking panunuod. Nakaabot ako ng dalawang oras sa aking panunuod. Nang nakaramdam ako ng antok ay pinatay ko na at inayos ang headset. Ako na ang nagpindot sa button sa gilid ng aking upuan at nag-in- clined ang upuan. Relax kong idiniin ang aking likod upang pumikit na. Napansin naman ni Dale na inaantok na ako kaya binaling ang kanyang mukha sa akin. "Sweetdreams, baby," bulong sa tainga ko. Hindi ko na ito sinagot dahil nakapikit na ako at talagang hinihila na ako ng antok. Oo antok ako ngunit may naramdaman akong kakaiba. Kinakabahan ako ngunit ayoko mgdilat ng mata. Bakit naman ako kakabahan eh kasama ko ang asawa ko? Iginapang ko ang aking kamay hanggang sa kanyang braso saka ko inangkla ang aking braso sa kanya. Idinikit ko ang aking ulo saka isinandal sa kanya. Nanatili naman siyang walang kibo at di gumalaw sa ginawa ko. Pinakiramdaman ko ang paligid pero wala naman kakaiba. Ganito lang siguro ang unang biyahe ko papuntang Amerika. Huminga ako ng malalim saka ako nag-buga ng hangin. "Relax, baby, you may sleep!" bulong ni Dale sa akin marahil ay napansin ang aking paghugot ng malalim na hininga kanina. Hindi ako sumagot pero tumango ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. Pilit kong iwinawaglit ang kaba na aking naramdaman. Pikit na pikit na ang aking mga mata dahil napagod rin sa panunuod. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na bibigay na talaga ako sa pagtulog. "Protect us, Lord," tanging nasambit ng utak ko at tuluyan na akong nakatulog. Di ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Nag-mulat ako ng aking mga mata ngunit tahimik na ang lahat. May liwanag na nanggaling sa maliit na ilaw sa pinaka gitna. Nag-unat ako dahil nangawit na aking katawan. Nakatulog na siya na kanina ay nanunuod pa lang ng ako ang maunang matulog. Tumayo ako para mag-punta sa Comfort Room. Medyo nahihilo ako kaya kumapit ako sa mga upuan bago makarating sa Comfort Room. Nagin-hawaan pa ang aking pantog ng mailabas ko lahat. Kasalukuyan kong inaayos ang aking sarili sa harap ng salamin ng parang may kumakatok sa labas ng pinto. Nabosesan ko ito at alam kong si Dale. Lumabas ako at siya naman ang pumalit. Di muna ako umalis nag- desisyon akong hintayin siya. Nagulat pa siya ng pag-labas niya ay nasa labas pa akong nag-hihintay. Hinawakan niya ang aking kamay habang nauna siyang nag-lakad at naka-sunod ako sa kanya. Halos kami lang ang dalawa na gising sa oras na ito. Paupo na ako ng napa-kandong ako sa asawa ko. Bakit parang umaalog ang eroplano? O nahihilo ako? "What's wrong,baby?" Tanong ko ng mag-simulang mag-panic ang pakiramdam ko. Lumilindol ba dito sa eroplano? Kumapit ako kay Dale dahil natatakot ako. Na-a-larma kami ng mag-announce na sa radyo na nasa turbulence ang sinasakyan namin. Agad akong pinaupo ni Dale sa aking upuan saka kinabitan ng seat belt. Nataranta kami ng husto. Napayakap ako kay Dale. "Don't panic, baby!" Nag-ka-gulo na dito sa loob ng eroplano habang nagsasalita ang announcer. Umiiyak na ako habang yakap ako ni Dale. Hinahaplos ang aking likod. "Baby, listen. Whatever happen we will see each other. I love you!" Mas lalo akong humagulgol ng marinig ko ang kanyang mga sinabi. Umiling-iling ako, ayoko na may mangyari sa aming masama. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Hush, baby!" Lumabas ang aking masaganang luha. Di ko mapigilan ang umiyak sa sitwasyon namin. Mamatay na ba kami? Wala pa kaming anak at mahal ko si Dale. Huwag naman po. "Baby, stop crying instead pray, that were going to be safe." "Baby, I'm scared!" "Be strong, okay!" Tumatango ako sa kanya kahit ako mismo ay nag-aalinlangan. Paano kung dito na kami mamatay sa eroplanong ito? Paano ang aking mga magulang? Wala pa akong isang taon dito sa Pilipinas mula ng makauwi ako mula sa UAE. Napa-sigaw ako ng sakit ng biglang may tumama sa aking ulo. Biglang nag-bukas ang compartment sa itaas namin. Lumabas ang mga gamit namin na nakalagay sa itaas. Pumikit ako ng husto na akala ko may babagsak pa sa akin. Narinig kong napa-mura ng malakas si Dale. Hanggang sa tuluyan ng nag-pa gewang-gewang ang eroplanong sinasakyan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD