Mga Kawikaan 10:22 "Ang mga mabuting kaloob ni Yahweh ay nagdadala ng kayamanan at hindi ito nagdagdag ng sakit." ***** Sophia's POV With SPG Tumango ako sa kanya. Tumayo si Bea at nagsalita, siya ang tumayong host ng seremonya. Pagkatapos ng mensahe ng Ministro ay nagsasalita sila isa-isa. Lahat ay nagbigay ng kani-kanilang wishes and declarations sa aming mag-asawa at kay baby KM. Pagkatapos ipanalangin si baby ay ang mansion naman. Hiniling ng Ministro na lumapit sila roon at nakita kong hinawakan nila ang iba't-ibang parte ng bagong tayong mansion. Nanalangin sila. Naiwan kami ni baby KM sa gazebo. Nagising si baby kaya pinainom ko ng gatas sa pamamagitan ng bote. Bumalik silang lahat sa gazebo pagkatapos ng panalangin at nakatulog muli si baby KM. Pinanalangin ang pagkain at la

