Mix Emotion

1258 Words

Awit 55:22 "Ihagis mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalalayan ka niya; hindi niya hahayaang mayayanig ang matuwid." ***** Dale's POV Nagulat pa si Sophia ng nakita ako na walang T-shirt dahil nahantad sa kanya ang katawan ko. Ang suot ko lang ay short na malambot at maluwag. Nakita ko siyang lumunok at nagbaba ng tingin na tila nataranta. Sa nakita kong reaksyon niya ay lihim akong natuwa. "Halika na para maisuot ko na ang T-shirt mo." Sabi niya at inalalayan ako sa tuluyan kong paglabas mula sa banyo. Pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko sa tuwing dumidikit sa katawan ng asawa ko at di lingid sa akin na parang may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan. Nagpatianod ako sa kanya at pinaupo ako sa monoblock na upuan. Inalis muna ang dextrose sa sabitan nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD