Awit 32:7-8 "Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. Aking ipaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata ay nakatitig sa iyo.” ***** Sophia's POV Natulala na pala ako sa kakaisip kaya ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya. Salamat sa Diyos dahil napakabuti ng in-laws ko at naiintindihan ako sa pinagdaanan ko. "Salamat ulit, Daddy kay Mommy, Bea,Elizabeth, Miriam at sa lahat dahil nand'yan kayo na laging nakasuporta sa amin." Madamdamin kong pasasalamat sa kanila. Pagdating namin sa mansion ay agad na kaming nagpaalam sa isa't-isa. Sumakay kami ni baby KM ng elevator at diretso sa aming kwarto. Pagdating namin ng kwarto ay agad ko siyang pinunasan at

