Chapter 7

2140 Words
Mona Kumuha ako ng isang plangganita sa may bodega. Kakailanganin ko kasi ito sa aking ritwal. Pagkatapos kong makuha ito ay nagtungo ako sa kusina upang lagyan ito ng tubig. Marahan ang pagkakalagay ko ng tubig dahil ayokong magising ang iba. Saglit ko lang naman gagawin ang ritwal kaya minabuti ko na lang na dito na lang sa kusina gawin iyon. Para madali ko ring mailigpit ang mga ginamit ko. Kinuha ko ang pulang kandila sa aking bulsa. Sinindihan ko ito. Naupo ako sa likod ng kitchen counter para hindi ako makita ng iba. Nakatitig ako sa apoy nito. Taimtim akong nagdasal Kinuha ko rin ang boxer short ng mahal ko. Nangiti pa ako ng mahawakan ko ito. Muli ko itong inamoy. May dulot pa ring kakaibang kilig ang pag-amoy amoy ko sa shorts nya. Ibinabad ko ito sa tubig na nasa plangganita. Inikot-ikot ko ito. Marahan ang pagkakaikot ko sa boxer shorts nya. At unti-unti kong pinatakan ng nalulusaw na kandila ang tubig sa plangganita. Kasama kong pinatakan ang boxer shorts nya. "Enaka! Enaka! Enaka!" Tatlong beses daw itong babangggitin. Tapos ay isunod ang kahilingan. "Sana ay magkagusto sa akin si Papa Trebor! Sana ay mahalin nya ako at kalimutan na nya ang ex nya. Sana ay ako na lang ang mag-aalaga sa kanya habambuhay!" Taos puso kong dasal habang hawak ko ang kandila. Patuloy kong pinatakan ng kandila ang tubig sa plangganita. Inikot ko ito ng talong beses pakaliwa at talong beses pakanan. "Ekana! Ekana! Ekana! Tuparin mo ang aking kahilingan!" Wika ko Nakangiti ako habang nakatitig sa apoy ng kandila at maya-maya lang ay marahan kong hinipan ang apoy nito. Nalanghap ko pa ang amoy ng usok nito. Sana naman ay umepekto agad ang ritwal na ginawa ko. Sabi sa libro ay maghintay ng dalawa o tatlong araw bago makita ang resulta. Nasasabik tuloy ako! Naku! Baka bigla na lang akong hatakin ni Papa Trebor kapag nakita nya ako. Pagkatapos, tititigan nya ang mga mata ko. Pagkatapos ay hahalikan nya ang labi ko at sasabihin nya sa akin na--- "I love you Baby!" Bumilog ang mga mata. May tao! May nagsalita ng I love you Baby? Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Papa Trebor iyon. Marahan akong gumapang upang silipin kung saan nanggaling ang boses. Ngunit... Hapdi at kirot na naman pala ang masisilayan ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang mahal kong si Trebor. Kasama ang isang magandang babae. Naghahalikan sila! Napakagat labi ako! Parang paulit-ulit na sinasaksak gamit ng kutsilyo ang puso ko. Nasaksihan ko kung paano nya halikan ang babaeng iyon. Mapusok! Kitang-kita ko rin kung paano nya pinagapang ang kanyang mga kamay sa ilalim ng palda na suot ng babaeng iyon. Napaigtad pa yata sa sarap ang babae. "Uhhm! Naughty boy huh!" Narinig kong wika ng babae Napahawak ako sa aking bibig. Ayokong marinig nila ako. Pero hindi na napigilan ng luha ko. Umagos na ito dahil sa tindi ng sakit na naranasan ko ngayon. "Let's go to my room Baby. I can't get enough of touching you. Uhmm" sambit ni Trebor Muli nyang pinasadahan ng halik ang babae na syang nagpangisay sa kanya. Binuhat nya ang babae na mistula silang bagong kasal. Nagtungo sila sa direksyon ng kwarto ni Papa Trebor. Ipagpapatuloy yata nila ang nabitin nilang ginagawa. Parang akong nawalan ng lakas dahil sa nasaksihan ko. Pinahid ko ang mga luha sa mata ko pero ayaw talagang tumigil ng pagtulo nito. Sobrang sakit lahat ng mga nasaksihan ko. Girlfriend ba sya ni Trebor? Siguro nga. Hindi naman nya hahalikan ng ganung katindi yung babae kung hindi nya girlfriend iyon. Wasak na wasak ang puso ko! Parang gusto ko na lang maglaho sa mundong ito dahil sa tindi ng sakit eh. Pinahid ko pa sa huling pagkakataon ang luha sa mga mata ko. Kinuha ko ang plangganita at ipinatong sa sink area. Pinigaan ko ang boxer shorts ni Trebor  itinapon ko ang tubig na nasa plangganita. Itinapon ko na rin ang mga kandilang ginamit ko sa ritwal. Nagmukha lang akong tanga! Hindi naman umepekto! Mas pinalala lang nito ang sitwasyon. Dumiretso ako sa laundry area. Nilabhan ko ang boxer shorts na iyon at isinabit ko ito kasama ang mga nilabhan ko kahapon. Hindi na mahahalatang kinuha ko ito. Naiinis  talaga ako sa ritwal na ginawa ko. Imbes na tulungan ako ay pinasakitan pa nito ang puso ko. Sabi ko pa naman sa dasal ay sana mahalin ako ni Trebor. Anong nangyari? May bagong girlfriend na sya at kitang kita ko pa kung paano nya ito hinalikan. Pumikit ako ng ilang ulit. Gusto ko nang mawala ang eksenang iyon sa utak ko. Pakiramdam ko ay hindi ako patutulugin nito. Pakiramdam ko ay dala-dala ko na habambuhay ang sakit at hapdi ng puso ko. Bumalik ako sa aking kwarto. Nahiga ako sa aking kama at doon ay patuloy akong umiyak. Pinipigilan kong huwag makagawa ng ingay. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagpigil ko ng iyak. Humihikbi ako at bitbit ko pa rin ang sangkaterbang sakit dito sa puso ko. Buong buhay ko ay ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng sakit. Huling naramdaman ko ito ay nung mamatay ang mga magulang ko. Ngayon ay kaparehas nito ang sakit na idinulot sa akin ng katotohanang mayroon nang nagmamay-ari sa puso ni Trebor. Kailangan ko na bang sumuko? Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa kabila ng sakit na naramdaman ko. --- Kinaumagahan... "Huy! Mona! Gising na dyan! Ang dami pa nating gagawin." Naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni Henry. Inaantok pa ako. Pakiramdam ko ay kakatulog ko lang pero ginigising na agad ako ni Henry. Dahan-dahan akong nag-inat ng katawan. Papungas-pungas pa ako habang nakatitig sa kawalan. Wala akong tulog! Nakakainis! "Oh! Bakit namamaga ang mata mo? Umiyak ka?" Tanong ni Henry Nanlaki ang mga mata ko. Bigla kong naalala ang masakit na eksenang nakita ko kagabi. Ang mainit na paghahalikan nina Trebor at ng maganda nyang girlfriend. Muli na namang may tumusok sa puso ko. "W-wala to! Bakit naman ako iiyak? Para kang sira!" Sabi ko sa bestfriend ko Narinig ko ang maliliit nyang tawa. "Malay ko ba kung nalaman mong may girlfriend na si Papa Trebor kaya ka umiyak." Biro nya Nanginig ang mga labi ko. Hindi ko na kayang itago pa ang bigat ng nararamdaman ko. Parang sasabog yung puso ko sa sobrang sakit. Napasubsob muli ako sa unan at doon ay tuluyan akong umiyak. "Oh! Bakit? Bakit ka ba umiiyak?" Nag-aalala nang tanong ni Henry Hinawakan nya ang balikat ko at pinipilit nya akong paharapin sa kanya. Humihikbi pa rin ako nang harapin ko ang matalik kong kaibigan. "M-May girlfriend na nga sya. Nakita ko sila kagabi." Pagkukwento ko kay Henry Nakakunot ang mga noo sa akin ni Henry na tila hindi nya maintindihan ang mga sinasabi ko. "N-Nahuli ko si Trebor na may kahalikang magandang babae sa kusina kagabi. Sobrang sakit bestie." Nanginginig na wika ko "Huh? Anong ginagawa mo sa kusina?" Tanong nya. Napalunok ako sa tanong nya. Ayoko namang sabihin na kaya ako nasa kusina ay dahil may ritwal akong ginagawa. Napakadaldal pa naman ni Henry. Baka maikwento pa nya kina Manang Iska ang kagagahang ginagawa ko. "Ahhh.. ehh anu kasi. Kumuha ako ng maiinom. Tama!  Nauhaw ako kagabi, at sa di inaasahang pangyayari ay nasaksihan ko ang paghahalikan ng mahal kong si Trebor at nang babae na iyon!" Sabi ko Parang naawa sa akin ang kaibigan ko. Hinimas himas nya ang aking likod at napapailing na lang sya sa harapan ko. "Grabe! Ngayon ko napatunayan na talagang mahal mo si Sir Trebor. Akala ko ay pantasya mo lang sya. Pero ang lalim pala ng pagmamahal mo sa kanya. Hayaan mo na Friend. Tanggapin mo na kasi na ikaw at si Sir Trebor ay sobrang imposible." Sabi nya Mas pinalungkot pa nya ako sa mga sinabi nya. Susuko na ba talaga ako? Kailangan ko na bang tanggapin ang lahat? Na kahit kailan ay hinding-hindi mapapasaakin si Papa Trebor? Unang una ay magkalayo ang agwat ng edad namin. Pangalawa ay magka-iba ang mundong aming ginagalawan. At ang huli ay hindi ako ang tipo ng babaeng mamahalin nya. -- Bagsak balikat akong umaakyat patungo sa kwarto ni Papa Trebor. Hindi ako masasamahan ngayon ni Lilibeth sa paglilinis ng kwarto dahil nagpasama si Manang Iska sa kanya na bumili ng mga sangkap na gagamitin sa kare-kare. Si Lilibeth kasi ang may alam kung paano lutuin ito. Walang pasok si Papa Trebor ngayon kaya ang kare-kare raw ang request nyang kainin ngayong lunch. Parang ayoko ngang makita si Trebor ngayon. Naiinis ako sa kanya. Sinasaktan nya ang puso ko. Hindi ko alam kung papasok ako sa kwarto. Baka maabutan ko sya doon kasama ang babae nya. Baka masaksihan ko pa ang mainit na tagpong ginagawa nila doon. Bahala na. Naririto naman ako para maglinis eh. Huminga ako ng malalim at saka ko pinihit pakanan ang pintuan ng kwarto nya. Nakapikit ang kalahati ng mga mata ko dahil baka kung ano ang makita ko sa loob nito. Grabe naman si Trebor, hindi marunong maglock ng pinto. Nilibot ng mga mata ko ang buong kwarto. Nasilayan ko si Trebor na nakadapa sa kanyang napakalaking kama. Tanging ang kanyang mga hita lamang ang natatakpan ng kumot. Wala syang pang-itaas na damit. Kitang-kita ko tuloy ang malaki nyang katawan. Inilihis ko ang tingin ko sa kanya. Hindi na nya ako makukuha sa mga pang-aakit nya. Nakasimangot kong inalis ang mga mata ko sa kanya. Nilibot ko ang buong kwarto. Wala na rito ang babae. Umuwe na kaya ang girlfriend nya? Bakit ang aga naman yata? Ahhhh! Wala na nga pala akong pakialam. Kaagad na akong nagtungo sa kanyang opisina at nagsimulang maglinis doon. Mabilis ko lang malilinis ito dahil hindi naman napapamahayan ng mga alikabok ang mga gamit dito. Nang matapos ko ang paglilinis ng opisina ay kaagad na akong nagtungo sa master's bedroom nya. Ang isa pa sa iniisip ko ay kung paano ako maglilinis doon kung natutulog pa sya sa napakalaki nyang kama. Nakakailang naman. Bahala na. Nang marating ko ang napakalaki nyang kama ay nagulat na lang ako dahil wala na si Trebor doon. Gising na sya? Bigla akong kinabahan. Napalingon ako sa kanyang banyo. Alam kong naroroon sya. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Para akong naestatwa nang marinig kong huminto ang lagaslas ng tubig. Ilang saglit lang ay lalabas na sya. Magpapang-abot kami dito sa kwarto nya. Nakakainis naman talaga. Kumalabog ng malakas ang puso ko nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob ng kanyang banyo. Unti-unti itong bumubukas. Napalunok ako ng dahan-dahan. Kahit na naiinis ako sa kanya, ay sya pa rin ang nagpapakalabog ng puso ko. Kahit na sinaktan nya ako kagabi ay hindi ko pa rin maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin sya. Marahan syang lumabas ng banyo. Tanging tuwalya lamang na nakatapis sa kanyang balakang ang suot nya. Kitang kita ko ng malapitan ang buong katawan nya na para bang isang modelo sa mga magazine. Pumuputok ang mga muscle nya sa katawan. Napakaperpekto nang abs nya na talagang nagpapadagdag sa kanyang malakas na appeal. Makita ko lang ang napakagwapong presensya nya ay nawawala ang  galit ko sa kanya. Napapawi agad ito sa hindi ko malamang dahilan. "Hey? Young lady? Saan ka ba nakatingin?" Napalunok ako ng tatlong beses sa tanong nya. Nahuli nya akong nakatingin sa parte ng katawan nyang bumubukol sa gitna ng mga hita nya. Nakabakat ito sa tuwalya. "Ahh! S-Sorry po. Hindi ko naman sinasadya. Ngayon lang po kasi ako nakakita nyan. Ayy sorry! Ano ba ang sinasabi ko?" Natatarantang sagot ko Ngunit si Trebor ay nakangisi habang papalapit sya sa pwesto ko. Ang mga ngiti nya ay mistulang nang-aakit. Hindi ako makatanggi sa mga ngiti at titig nyang iyon. Dahil sa ginagawa nya ay lalo lamang nyang nabibihag ang puso ko. Ano bang  balak nyang gawin? Habang pahakbang syang lumalapit sa akin ay sya namang hakbang kong paatras. Kinakabahan ako sa mga titig at ngiti nyang iyon. Pakiramdam ko ay may kakaiba syang gagawin sa akin na syang ikababaliw ko. Pag-atras ko ay napasandal na ako sa dingding ng kanyang kwarto. Wala na akong matatakbuhan pa. Parang nakulong na ako sa sitwasyong ito. Lalo syang ngumiti nang tumigil sya sa harapan ko. Napakalapit nya sa akin. Amoy na amoy ko ang halimuyak na bumabalot sa buong katawan nya. Idinikit nya ang kanyang magkabilang palad sa may dingding. Kinulong nya ako sa kanyang mga braso. Hindi ko na alam kung paano makakatakas pa dito. Nasa harapan ko si Trebor ngayon. May malagkit syang titig sa akin. Unti-unti nyang inilalapit ang kanyang bibig sa akin. Nakakabaliw ang labi nya! Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay mahihimatay na naman ako sa gagawin nya sa akin. Ano ba talaga ang balak nya? Pumikit ako. At nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD