Mona Masama na naman ang tingin sa akin ni Lilibeth. Nakatitig sya sa aking mga labi na tila iniisip kung ano ang nangyari sa mga ito. Hinawakan at kinapa ko ang namamaga kong labi. Napapikit pa ako sa kirot dahil bahagya kong nadiinan iyon. "Ahhh wala naman ito. Nakagat ko yata kanina. Hindi ko na matandaan eh basta na lang tumubo." Paliwanag ko Nirolyohan lamang ako ng mata ni Lilibeth. Mukhang hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko. "Pumunta na kayo sa kusina. Inihahanda na ang hapunan." Mataray na wika nya "Okay sige Lilibeth pupunta na lang kami. Salamat." Si Henry ang sumagot sa kanya Padabog na lumabas si Lilibeth ng kwarto namin. Ang bigat ng mga paa nya habang lumalabas ng kwarto. Kaimbyerna naman ang isang iyon. Kaagad na tumayo si Henry upang ilock ang pinto. Si

