Mona Mistula akong nabigla sa buhay kolehiyo. Madaming mga projects ang pinapagawa sa amin. Maraming libro ang kailangang basahin. Habang tumatagal ay nakikilala ko rin ang pagkatao ng mga kaibigan kong si RM at Kendra. Si Kendra ay sadyang masungit at hindi palakibo sa iba. Lagi nyang bukambibig si Papa Trebor ko sa amin. Lagi syang nagpapakwento ng tungkol sa Mosh ko. Kung ano ang madalas nitong gawin sa mansyon, mga paborito nitong pagkain at marami pa syang tanong na lubos na nagpapairita sa akin. Kaibigan ko sya, ngunit parang sumusobra na sya sa pang-uusisa sa Mosh ko. Wala syang ideya na nasasaktan ako. Hindi nya alam na pareho kami ng nararamdaman kay Papa Trebor. Kung nababaliw sya sa Mosh ko ay mas triple ang nararamdaman ko para sa kanya. Si RM naman ay isang napakaba

