Trebor I can't hide the pain inside my chest when I've heard her stories. Bigla akong nakonsensya at sa unang pagkakataon ay ngayon ko lamang ito naramdaman buong buhay ko. Wala akong puso. Bato na nga ang puso kong talaga ngunit ngayon ay tila lumambot ito ng sobra ng makita ko ang lungkot sa mga mata ni Mona habang ikinukwento nya kung gaano kasakit ng mawala ang kanyang mga magulang. She even prayed for her death because she feels that her life is miserable. Awang-awa ako sa kanya. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang nagpasabog ng presintong iyon tatlong taon na ang nakakalipas. Ako ang nagtanim ng bomba sa kuta ng mga pulis dahil naghihiganti ako sa ginawa nilang pagpatay sa pinakamamahal kong si Bianca. Sa ginawa kong iyon ay maraming sibilyan ang namatay.

