Trebor Kitang-kita ko pa rin ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ni Lilibeth. Alam kong pati sya ay nasasaktan dahil sa mga nangyari kay Mona. Ikinabigla nya rin ang katotohanang matagal ko nang alam ang lihim nya. "Walang papantay sa kasamaan mo Agila! Kailan ka ba susuko? Kailan ka ba magbabago? Ilang buhay pa ang kailangang manganib ng dahil sayo?" Bulyaw nya sa harapan ko Nanatili akong tahimik ng ilang segundo. Ayokong makipagtalo sa kanya. Ayoko nang gumawa ng mga bagay na labag na naman sa mata ng Diyos. "Nangako ako sa Diyos. Sa oras na gumising si Mona ngayon ay isusuko ko na si Agila sa mga pulis. Masaya ka na ba?" Sagot ko Ngunit nasaksihan ko ang pagngisi nya na tila naiinis sa mga sinabi ko. Ang galing nyang mang-inis ng damdamin. "Kung hindi magising si Mona ng

